Pieces of You

Chapter 19 Bittersweet Escape



Nakikipagtalo ang isip ko sa akin. Kinakain ako ng inggit. Bakit dito pwedeng maging maganda ang buhay. Bakit sa mundo ko ang gulo ng buhay? Hindi ko maintindihan. Hindi ba pwedeng maging maayos ang lahat? I patted my chest softly. Huwag kang iiyak. Tama na.

Napaupo ako sa couch sa sala. Inihiga ko ang ulo ko at saka pumikit. Ano na? Pano na to? Ayokong pumunta at baka saan pa ako madala ng paa ko e. Hindi na. Hindi na lang ako pupunta. Magpapalusot na lang ako. Anong palusot naman? Diarrhea? Chickenpox?

Sigurado akong pipilitin pa rin ako ni Geille kapag hindi siya nakakita ng ebidensiya. Pipicture-an ko ba 'yung sarili ko sa CR na taeng-tae at constipated ang mukha? Kadiri. Mamarkahan ko na lang yung braso at mukha ko ng pilot pen para magmukhang chicken pox. Tumakbo agad ako pataas ng kwarto at saka naghanap ng pilot pen sa mga drawer.

Here! Hindi ako nakahanap ng whiteboard marker kaya permanent ink marker ang ginamit ko. Sinimulan kong maglagay ng maliliit na period hanggang sa di ako makuntento at palaki- ng palaki ang mga tuldok. Mas nagmukha itong lunal kaysa chicken pox! I sigh in desperate. Umupo ako sa edge ng kama, humiga at saka nagdadadabog.

Kainis naman e!

"Bahala na. Itutulog ko na lang ito."

Sinubukan kong pumikit at matulog. Tumagilid ako para mas komportable. Pero nagpagulong-gulong na ako sa kama ko't lahat, hindi ako makaidlip man lang!

Ilang sandali pa ay nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Hindi isa, hindi dalawa o tatlo kundi hindi tumitigil! Nakakainis. Gusto niya bang mabingi ang mga tao rito?

Kaya napagpasiyahan kong lumabas at saka padabog na binuksan ang gate.

"Hoy! Kung hindi ka magtitigil sa kakabusina mo, bubusalan "

Hindi na ako natapos nang makita kong lumabas mula sa kotse ang nambubusina ng wagas. Nagulat ako dahil nakilala ko na agad ito sa paraan pa lang ng tindig at pananamit nito.

Nathan. Parang gusto kong umiyak at tumakbo para mayakap siya. So he would tap my back gently and hug me back like he always did. Pero sumagi sa isip ko na hindi siya ang Nathan na mahal ko. He exactly look like him but he's not my Nathan. He's someone's love. And that someone is Yssen, who I am right now. Damn. May munting kirot akong naramdaman sa aking puso.

I saw Nathan walking right at me, with all smile. Damn that smile. Kahit hindi para sa akin ay ramdam ko ang saya at kilig na hatid nito. How could I do this?

"Gulat na gulat? Hindi ka pa ba sanay na makakita ng isang gwapong nilalang na katulad ko?"

Napatawa naman ako sa naging banat nito. Bigla-bigla na lang bumibilis ang tibok ng puso ko. This guy, he reminds me of Nate. Kung paanong tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag nariyan ang presensya niya. "A-Ang ingay mo."

Nagpanggap akong naiinis para hindi niya mahalatang naiilang ako sa kanya. Natawa lang ito sa naging reaksyon ko.

Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko saka niya inilapit ang mukha niya sa akin at saka tumungo ng bagay para magpantay ang aming tingin.

Bahagya namang nanlaki ang mata ko sa ginawa niya at naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko. Biglang nagblangko ang ekspresyon sa mukha ng lalaki habang sinusuri ang mukha ko. Kinabahan ako bigla. Paano kung malaman niya na hindi ako si Yssen? Na ang babaeng kaharap niya ay isa palang impostor?

Impostor.

Masakit pero totoo.

Nagulat ako ng bigla niyang pinisil ang pisngi ko at saka ngumiti ng malawak. He disheveled my hair na siyang ikinabusangot ko.

Like what Nathan does when he sees me. Shut it, hennessy.! Stop thinking about him. Ito na ang buhay mo ngayon. At siya na ang lalaking mahal mo ngayon!

Nasa gitna ako ng pagtatalo sa sarili kong isip ng inakbayan ako ni Nathan. Nagmukha tuloy akong pandak na pandak. Ang taas niya kasi at tinabihan niya pa talaga ako.

"Anliit mo talaga. Matulog ka kaya para lumaki-laki ka naman. Isa ka ba sa mga elf ni Santa Claus?

"Isa ka ba sa mga kapre sa puno sa likod ng bahay namin?"

Binara ko naman siya pabalik saka siya siniko sa tiyan nito dahilan para bumitiw ito sa pagkakaakbay sa akin. I heard him groaned in pain pero tumawa din siya pagkaraan. Baliw.

“Alam mo bang ayaw ng mga lalaki sa mga sadistang babae?" Sabi nito habang nagdekwatrong umupo sa sofa.

"Edi ayaw ko din sa kanila!" Umiiling-iling ito habang nakangisi.

"Bakit ka nga ba nandito? Hindi welcome ang mga kapre sa bahay namin."

Napahawak naman ito sa kanyang dibdib na parang nasaktan sa sinabi ko. Pinaikutan ko naman siya ng mata. Ang arte!

"Hindi ka man lang ba masaya na dinalaw ka ng isang gwapong nilalang?"

"Kapre nga."

Hahakbang na sana ako pataas ng kwarto nang pigilan niya ako. Pinagtaasan ko naman siya ng kilay ng lumingon ako.

"Magbihis ka na, maghihintay ako." Tinapunan ko naman siya ng mapanuring tingin.noveldrama

"Chill." He raised his hand in surrender.

"Mukha ba akong may binabalak na gawin sayo?"

Nagawa naman nitong magmukhang inosente sa akin.

"H-Hindi naman."

Nahuli niya ako dun ah. Saglit naman akong napahiya.

He stand up from his seat at saka ngumiti ng nakakaloko sakin.

"Pwede naman." Sinabi niya ito habang itinataas baba ang kanyang kilay.

"Kadiri!" Sinigawan ko siya at saka mabilis na naglakad papasok ng kwarto ko.

I heard him laugh and giggle.

What was that? Inilagay ko ang palad sa aking dibdib at ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko.

"Bilisan mo at baka abutan ako ng sapak ni Geille kapag tumagal pa tayo dito. Pareho pa naman kayong may lahing barbaro."

Narinig ko pa ang pahabol na sabi sa akin ni Nathan.

Umiling-iling na lang ako. Naisipan kong maligo na para mahimasmasan at makapagbihis na. Kanina pa naghihintay si Geille sa akin.

"Tara?"

Nakita ko ang pag-angat ng tingin sa akin ni Nate na busy sa kanyang telepono kanina. I saw how he stared at how I look kaya medyo nahiya naman ako.

Tumayo ito at saka dahan-dahang naglakad papalapit sa aking pwesto.

"Wow." Mahihimigan ang pagkabighani sa kanyang boses.

"Ampanget mo." Bigla niya na lang sinira ang moment kaya malapit ko na siyang hagisan ng sling purse ko.

Humalakhak ito saka nagpeace sign. Padabog akong bumaba sa hagdan kaya lang ay nawalan ako ng balanse kaya muntikan na akong mahulog. Buti na nga lang ay inalalayan agad ako ni Nathan at saka napahawak sa beywang ko. Saglit kaming nagkatitigan ngunit binali ko naman agad.

Inayos at pinagpagan ko ang sarili ko at binaling ang tingin sa ibang bagay. Nakakahiya.

Nang ibinalik ko ang tingin sa lalaki ay ngingiti-ngiti na ito.

"Ngingiti-ngiting aso mo diyan? Para kang timang."

Hindi na niya napigilang ang sarili at napangiti na ito ng tuluyan. Kitang-kita ang mapuputi at pantay nitong ngipin. Nakakadala ang mga ngiti niya!

"Ikaw nga e nakakita ka lang ng lalaking gwapo, nanghina na agad tuhod mo."

Natatawa naman ito habang tinititigan ako. Napatawa ako ng hilaw at saka inikutan siya ng mata.

"Ang yabang! Nawalan ako ng balanse kaya ako muntikan..."

Hindi na ako nagpatuloy dahil wala naman itong balak na pakinggan ang sinasabi ko. Panay ngiti lang kasi ito sakin. Napakahangin!

"Psh! Alis nga!"

Sinadya ko itong banggain pero ni hindi man lang ito nadala. Palibhasa mas malaki keysa sa akin e.

Tumigil ako ng hindi man lang ito gumalaw sa pwesto at saka tinapunan siya ng masamang tingin. Naglakad na ako kaya lang bigla na lang akong napahinto ng hinawakan niya ako sa aking palapulsuhan at saka hinila papalapit sa kanya. Nawalan ako ng balanse kaya napahawak ako sa kanyang dibdib at ang kanyang mga braso ay nasa aking beywang.

Ngayon naman ay seryoso na siyang nakatingin sa akin. Nagkaroon ako ng pagkakataong titigan ang kabuuan ng kanyang mukha. His hair is black, falling up to his slightly arched dark brown brows. He possesses brown pair of orbs that made him look innocent and beautiful. His nose is pointed and his thin cherry lips looks soft. Ang kanyang panga naman ay nakapagdagdag pa sa kagwapuhan ng kabuuan ng kayang mukha.

Unti-unti niyang inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko malaman ang gagawin kaya napapikit na lang ako. Sandali pa ay wala akong naramdaman na paghalik kundi ang kanyang paghawi sa aking buhok papunta sa likod ng aking tenga. Parang tumayo ang balahibo ko sa aking leeg nang maramdaman ko ang hininga niya sa aking balat.

"Ang ganda mong pagmasdan."

It was a soft whisper. Pero ang sinabi niya ang nakapagpabilis ng tibok ng puso ko at sari-saring emosyon ang namutawi sa akin.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ne5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi kaya tumungo ako.

"Let's go?"

He offered his arms to me katulad na lamang sa prom. Tinanggap ko naman ito at saka ipinulupot ang aking kamay sa kanyang braso. "Ang dami mong alam."

Pareho kaming napatawa sa ideya niya.

Kasalukuyan naming binabagtas ang daan papunta sa bahay ni Geille. Masyado nang madilim ang daan at nakasindi ang lahat ng ilaw ng poste sa kalsada. Marami-rami pa rin ang naglalakad kahit pa sa ganitong oras. Mas pinili ko na lang na hindi kumibo. Kanina ko pa rin pansin ang sanda-sandaling tingin sa akin ni Nathan. Ayoko lang mabuking ng wala sa oras. Mag-oobserba lang muna ako. Pero alam ko namang hindi ito magtatagal. Pagdating na pagdating namin sa bahay nina Geille, nakataas na kilay at naniningkit niyang mata ang sumalubong sa amin sa akin.

Ngumiwi ako ng malakas niyang hinampas ang braso ko.

"Ikaw, wala ka talagang balak na pumunta noh?"

Nagpameywang ito sa harap ko habang si Nathan naman ay itinaas ang dalawang kamay bilang pagsuko at nauna nang tumuloy sa taas ng rooftop.

Ngumisi muna ang mokong ng nakakaloko bago tumuloy. Psh! Sarap batukan.

"M-Meron naman." Hindi ko lang alam kung paano pumunta rito.

Napahawak naman ako sa tali ng sling purse ko habang nakatungo.

"Psh! Tatatlo na nga lang tayo, gusto mo pang magpaiwan. Nasaan enjoyment dun? Boring! Ayoko namang makasama 'yung ulok, puro kain lang ang alam nun e. Tara na nga!"

Mahabang litanya nito habang nagbabago-bago ang ekspresyon sa mukha. Sandali naman itong tumahimik at nung binaling ko ito ng tingin ay ang nakataas nitong kilay ang unang kong napansin. Awkward.

Pero walang anu-ano'y hinatak niya na lang agad ako sa aking kamay at nagtungo kami sa isang pasilyo pataas. Nang buksan ni Geille ang pintuan ay nagsisikutitap na maliliit na ilaw ang bumungad sa amin sa rooftop. Ang simple ng disenyo pero mukhang magara.

May nakapalibot na throw pillow at mat sa gitna ng rooftop habang sa gilid naman nito sa bandang kanan ay may isang projector at white screen at ang portable speaker. Sa kaliwan naman ay ang karaoke at sa tabi nito ay nadoon si Nathan na nag-iihaw ng barbecue. Nakaapron pa ito ng pink which made him look cute. At sa gitnang parte naman ay ang malaking draft na tinakpan ng outing tela at pinuno ng led lights. Nandoon rin ang mga nakahilerang pagkain sa ibabaw ng parihabang mesa.

Nang napagawi ako kay Geille ay nakangiti ito at binabalak nang tumili habang si Nathan naman ay busy pa rin sa pag-iihaw. Nakita ko pa nga siyang nagpunas ng pawis habang hawak ang clipper.

"You like it?" Nahihiyang tumango ako sa kanya.

"I like you too." Sabi nito habang tumatawa at hinila ako papunta kay Nathan.

"Hoy, lalake! 'Yung pamaypay na 'yan para yan sa iniihaw, hindi para sayo."

"Bakit pa kasi ito 'yung ginamit e pwede naman 'yung automatic na de-kuryente.".

Inismidan ni Geille si Nathan at saka sumagot sa reklamo nito.

"Sinadya ko talaga 'yan para pahirapan ka." Inikutan niya ito ng mata.

Kumuha ito ng barbecue pero agad namang pinalo ni Nathan ang kanyang kamay gamit ang pamaypay.

"Sayo 'yan?!" Inis na singhal ni Geille habang hinahaplos ang kamay niyang pinalo ni Nathan.

Hays.

"Bakit, sayo din 'yan? May pangalan?" Balik na tanong nito.

"Yssen, oh! Inaaway ako!"

Oh? Ba't ako nasali?

Nakita ko naman na nagpapapaawa si Geille habang si Nathan naman ay nakangiti sa akin ng sobra.

“Para kayong mga bata! Tigilan niyo na nga 'yan!" Pagsasaway ko sa kanila pero hindi pa rin sila tumigil kaya hinayaan ko na lang sila.

Pumunta ako sa parihabang mesa at saka kumuha ng pagkain.

Lost in the world of this story? Make sure you're on Ñe5s.org to catch every twist and turn. The next chapter awaits, exclusively on our site. Dive in now!

May bacon, buttered chicken, buffalo wings, fries, steak, lumpiang shanghai at mga curls and desserts. Kumuha ako ng steak and bacon at nilagay sa plato ko. Napansin ko naman ang presensiya ni Abby sa tabi ko habang may kung anong hinihila sa ibabaw ng table kaya napatingin na rin ako sa kanya.

"Ano ba 'yan?"

Isang cooler. Nang binuksan niya ito ay nakita ko ang ilang bote ng San Mig Light. Bahagya namang nanlaki ang mata ko.

"Isusumbong talaga kita sa parents mo." Nagmakaawa naman ito sa akin pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

Nang nakita kong maiiyak na ito ay pinagbigyan ko na lang. Napabuntong-hininga na lang ako at saka napaupo sa ibabaw ng mat na pinapaligiran ng malalaking throw pillow.

Nang natapos nang mag-ihaw si Nathan ay napaupo ito sa tabi ko. Nginitian ko lang siya at ibinalik ang tingin kay Geille na may tama na at kumakanta ng Shout To My Ex. Sumasayaw pa ito at nagtatatalon kaya napapatawa kami minsan ni Nathan.

"May tama na talaga." Narinig kong sabi ni Nathan habang sumubo ng fries.

"Sinabi ko naman kasing huwag na siyang uminom e. Madali pa naman 'yan malasing."

Kumuha ako ng bacon at saka kumain.

"Alam mo ako rin may tama na," Nilingon ko naman siya pero hindi naman siya mukhang lasing. "May tama na sayo."

Bigla na lang nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Napuno din na kaba ang dibdib ko ng makita ko kung paano lumapit ng unti-unti ang mukha niya sa akin.

Geez. Why can't I move? Think, Hennessy!

"Wala bang kanin?" Natigilan si Nathan sa sinabi ko at saka gumuhit sa kanyang labi ang ngiti.

Kanin talaga? Wow. Ang galing.

"Ipagkukuha kita."

Tumayo ito at saka kinuha ang plato habang ngumingiti pa rin ito at namumula ang kanyang tenga.

Teka, nahihiya ba siya?

Pagkatapos non ay sinabayan na kami ni Geille sa pag-upo. Namumula ang kanyang pisngi habang kumakain ng barbecue. Inaantok na ang kanyang mga mata pero hindi ito nagpapigil. Nakipaglaro pa nga ito sa amin ng spin the bottle pero palagi namang siya ang taya.

Minsan tinatanong namin siya kung sino ang mga ka-fling nito, sinasagot naman niya kami kaya natatawa na lang kami ni Nathan.

Minsan pa ay ako ang naging taya pero dahil pinipilit ako ni Geille na magdare kaya nag-oo na lang ako.

"Sweet dance with Nathan."

Ngumisi naman si Geille habang papikit-pikit na ang kanyang mata.

Namula naman ang tenga ng lalaki ng sabihin iyon ni Geille. Pinatugtog na ni Geille ang isang romantic song kaya wala na kaming nagawa ni Nathan dahil pinagtutulakan na kami ng bespren ko. Hays. Mga kalokohan talaga ni Abby oh. "Can I have this dance?" Napatawa na lang ako sa tanong niya.

"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong niyan?" Ngumisi lang ito sa akin.

"Gusto ko rin namang makasayaw ka." Pag-aamin nito.

Bumilis ang tibok ng puso ko ng hinawakan niyang aking kamay at inilagay niya sa kanyang braso. Nag-aalinlangan pa itong humawak sa akong beywang kaya ako na ang naglagay ng kamay niya doon.

Narinig kong bumuntong-hininga ito kaya napatingin ako sa kanyang mga mata. Naiilang siya. Kaya ako naman ang ngumisi sa kanya.

"Are you nervous?" Natatawa kong wika.

"No." Defensive niyang sagot kaya napailing-iling naman ako.

Ilang minuto pa ay wala ng nagtangkang magsalita sa aming dalawa ngunit hindi bumibitiw ang aming mga titig sa isa't isa.

I've never dance with someone like this before. Not with a man. Not with someone who looks exactly like the man I love. The way he looks at me na para bang ako lang ang nakikita niyang maganda sa paningin niya. It's heartwarming. He never fail to make me fall in love even in this world.

Maganda rito. Oo. Hindi ko maipagkakaila iyon. Dahil lahat ng mga hinihiling ko sa totoong mundo ay dito ko naranasan. Dito nagkatotoo. Pero hindi ko rin maitatangging namimiss ko ang buhay doon. Ramdam kong hindi pa rin ito sapat. Napangiti ako ng mapait.

This is indeed a bittersweet escapade.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.