The Fall of Thorns 2: Austin McClennan

Chapter 5



Chapter 5

“HOW DID you... Ah, find our first date, so far?”

Umangat ang mga kamay ni Maggy pahaplos sa mga pisngi ni Austin. Sinalubong niya ang natulirong

asul na mga mata nito. Hanggang leeg nito ang taas niya kaya hindi siya nahirapang abutin ang binata.

Namana nila ni Yalena sa kanilang ama ang taas nila kaya hindi siya alangan sa anim na talampakang

taas ni Austin.

“I had... A wonderful time. Thank you.” Hinalikan ni Maggy si Austin sa gilid ng mga labi nito. “Good

night, Austin.”

Hindi niya na nagawang sagutin ang mga sinabi ng binata sa library dahil tinawag na sila ng

mayordoma roon para mananghalian. The whole time that they were together, Austin had been a

complete gentleman. Inikot siya nito sa buong mansiyon. Tumambay rin sila sa entertainment room at

nanood ng replay ng Nat-Geo.

Ang totoo ay wala naman talagang pakialam si Maggy sa kahit na anong bagay na may kinalaman sa

mundo. Ang maisakatuparan ang plano niya ang tanging mahalaga lang sa kanya. But she was

amused by the fascination in Austin’s eyes as he watched on the big screen.

Kung tutuusin ay hindi talaga maiko-consider na date ang nangyari. Iginala lang siya ng binata sa

mansiyon ng pamilya nito, pinakain at pinanood ng isang bagay na wala siya anumang interes. But

within a few hours, Austin was able to reveal to her who he truly was.

Imposibleng hindi maging komportable sa binata ang sino mang makakasama nito dahil napakanatural

nito at walang halong ere sa katawan. And his words never fail to make sense, no matter how she

hated to admit it.

“I want to get to know you better, Maggy,” naalala niyang sinabi pa ni Austin habang nasa veranda sila

at nagpapahangin. “And I swear I will do that... In the following days to come.”

“Paano kung sa kabila ng mga efforts mo na kilalanin ako, hindi ka pa rin makapasok sa puso ko?”

nananantiyang tanong ni Maggy. “Baka masaktan ka lang.”

Hinawakan ni Austin ang mga kamay niya. “I have always believed in doing something with all your

heart and praying with all your soul. That was the reason why I succeeded the past years.”

“You pray?” gulat na tanong niya.

“Oo naman. Me and my brothers do pray.” Nagkibit-balikat ang binata. “Tinuruan kami ni Mama. She

made us believe that there is Someone higher than all of us. Kaya naniniwala ako na kapag nakita Niya

na seryoso ako sa `yo, who knows?” Kinindatan siya nito. “Baka ang pag-oo mo ang iregalo Niya sa

‘kin sa pasko.”

Napalunok si Maggy. She never thought that Austin can be playful, too. And that moment, for some

reason, she found him adorable.

“All right,” sabi nito nang sa wakas ay makabawi. Lumayo na siya rito. Hindi nakaligtas sa kanya ang

paggalaw ng Adam’s apple ng binata. “I guess I’ll just... see you, tomorrow?”

Ngumiti lang si Maggy at tumango. Tumalikod na si Austin at para bang nagmamadaling humakbang

palayo samantalang siya ay nanatili sa kinaroroonan at pinanood ang binata. Mayamaya ay

nasorpresa siya nang huminto ito sa paglalakad kung kailan malapit na sa elevator. Nilingon siya nito.

She smiled once more. He smiled back. But he didn’t turn away again. Sa halip ay mabilis na bumalik

ito sa kinaroroonan niya. Agad na humapit ang braso ng binata sa kanyang baywang at bigla na lang

siyang siniil ng halik.

Sa simula ay masuyo lang ang halik hanggang sa unti-unting lumalim iyon. Nasorpresang napatitig na

lang si Maggy sa nakapikit na anyo ni Austin. Nang bahagyang maduling siya dulot ng suot na salamin

nito sa mga mata ay napapikit na lang din siya.

The nerd could really kiss so well. Nabigla pa siya sa apoy na nililikha nito sa kanyang katawan sa

simpleng pagdadaiti lang ng kanilang mga labi. Katulad ng unang pagkakataong hinalikan niya ang

binata ay kumabog uli ang kanyang dibdib. Austin though unaware, couls make a woman respond to

him.

Ilang sandali pa ay tinugon na rin ni Maggy ang halik ng binata sa kaparehong intensidad. And she

swore, she felt like everything had stopped. It was only the two of them and the kiss that they were

sharing that mattered. And heck, he smells so good. Ilang sandali pa ay kusa ring humiwalay ang

binata sa kanya. Idinikit nito ang noo sa noo niya. Sunod-sunod na malalalim na paghinga ang

pinakawalan nito.

“Do you know... That the first time we met, we kissed?” halos pabulong na tanong ni Austin.

“R-really?” hindi pa rin nakakabawi sa nangyari na sagot niya.

“Yes. And since then, I’ve been struggling so hard to sleep.” Ikinulong siya ng binata sa matatatag na

braso nito. “I’ve never found a kiss this satisfying before... Until your lips met mine.”

“Bakit mo ginawa `yon? Bakit mo `ko... hinalikan?” wala sa loob na tanong ni Maggy habang patuloy pa

rin sa pagkabog ang dibdib. Kasama talaga ang bagay na iyon sa plano niya para mahulog ang binata

sa bitag niya pero bakit ganoon ang kanyang reaksiyon? She was willing to go all the way to get what

she wanted. So why on Earth does she feel bothered about the kiss? Palibhasa ay iba ang halik na

iyon sa naunang pinagsaluhan nila. Pero iisa pa rin ang reaksiyon ng puso niya. Parang nagwawala

iyon sa tuwina.

“I believe in the ‘time is gold’ thing. Na kapag may gusto kang gawin, gawin mo na kaagad para wala

ka nang pagsisihan pa. Wala ka na dapat aksayahing oras. And kissing you is that one thing that I

really wanted to do since this morning. God… Maggy.” Humigpit ang pagkakayakap ng binata sa

kanya. “I think I’m becoming crazier about you.”

“STOP the car.”

Nabigla man ay inihinto pa rin ni Austin ang kotse. Iginilid niya iyon sa tapat ng simbahan. Nilingon niya

ang dalagang katabi. Nakakunot ang noo nito nang mga sandaling iyon habang nakatitig sa labas ng

bintana sa gawi nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya. Sinundan ng mga mata niya ang tinititigan ni Maggy. Nakita niya ang

dalawang bata na naglalaro sa walo hanggang sampu ang gulang na nasa labas ng simbahan hawak

ang mga maliliit na basahan. Base sa anyo ng dalawa ay mukhang inilalako ng mga ito ang mga dala

at dahil malakas ang ulan ay hindi gaanong makabenta ang mga bata sa mga pampasaherong

sasakyan.

Mayamaya ay bumalik ang tingin ni Austin kay Maggy nang nagmamadaling kinuha ang bag nito.

Pinigilan niya ang dalaga nang lalabas na sana ito ng kotse. Bigla ang pagragasa ng ulan nang gabing

iyon. Sinuwerte na lang silang nakasakay na sa kanyang kotse bago pa man iyon bumuhos.

Kagagaling lang nila sa isang restaurant. Mula sa opisina ay sinundo niya ito at niyayang lumabas na

agad namang pinaunlakan ng dalaga. Halos ganoon ang set-up nila sa nakalipas na mahigit dalawang

linggo.

Dadalhan niya ang dalaga ng mga prutas sa umaga o di kaya ay nagpapaturo siyang magluto sa Kuya

Alano niya ng ilang Italian dishes na ayon kay Maggy ay siyang paborito nito dahil naging henyo na

ang kapatid sa kusina mula nang makilala ang asawa na nito ngayong si Clarice.

Kahit pa puro pangangantiyaw ang inaabot ni Austin sa kapatid kapag tinatawagan ito ay wala iyong

kaso sa kanya. Austin trusted Alano’s cooking skills more than their chef at home. Ilang beses niya na

kasing natikman noon ang mga luto ng kapatid, doon niya napatunayang may talento ito roon.

Hindi kumpleto ang umaga ni Austin kapag hindi nakikita si Maggy. Hindi rin kumpleto ang gabi niya

kapag hindi ito ang huling nakikita. Sa kabila ng pagod sa maghapong trabaho ay agad na nawawala

iyon tuwing nakikita niya ang dalaga. The woman’s smile never ceased to bring wonder to him.

Everything felt light when he was with her.

“Ako na ang bababa. Ako na ang bahala sa mga paninda nila para makauwi na sila,” ani Austin.

“Pareho pa man din tayong walang dalang payong. Ayokong magkasakit ka.”

That night, he regretted not being a boy scout. Simula sa gabing iyon ay ipapaalala niya na sa sariling

parating magbibitbit ng payong para sa mga biglaang bagay na gustong gawin ng dalaga.

“No, I need to talk to them, Austin,” sagot naman ni Maggy at mabilis na nakababa ng kotse at

sinagasa ang ulan.

Malakas na natapik ni Austin ang noo bago mabilis na sumunod. Why can’t Maggy just be like any

woman for once? Why can’t she be predictable even for a while? Sa loob ng nakaraang mga linggong

nakasama niya ang dalaga ay lalong lumulutang ang pagiging iba nito sa mga babaeng nakilala niya

na noon. Palagi siyang ginugulat ng mga sasabihin o kaya ay ng mga gagawin nito.

Katulad na lang nang gabing iyon. Bago pa man sila nagpunta sa restaurant ay nagpabili pa ito ng

street food na nadaanan nila. noveldrama

“Hmm... I’ve missed this,” naalala ni Austin na nakangiting sinabi ni Maggy nang ibigay niya na rito ang

fish ball, kikiam, at iba pang pagkain na hindi niya na alam kung ano ang pangalan. “Walang ganito sa

Nevada.”

Nabanggit na ni Maggy sa kanya na nagbabakasyon lang ito sa bansa dahil sa Nevada talaga ito

nakatira. He tried checking informations about her on the Internet. Mabibilang sa daliri ang mga

impormasyon tungkol dito kaya wala siyang mahagilap na detalye tungkol sa pamilyang pinagmulan

nito. Ang natuklasan niya lang ay ang pagiging CEO nito ng YCM Hotel and Resorts.

Ayon kay Maggy ay anim na buwan lang ang bakasyon nito sa bansa pagkatapos ay kailangan na

nitong bumalik sa Nevada. Ang pinagkakatiwalaan daw nitong empleyado ang pansamantalang

tumitingin doon kasama ang kapatid nito na naiwan doon.

Austin would hate to think about what will happen after six months. Umaasa siya na mapapanatili na

lang sa bansa ang dalaga pero alam niyang suntok sa buwan iyon dahil nasa Nevada ang buhay nito.

But he was willing to make an adjustment. Siya ang bibisita rito. Kung kinakailangang linggo-linggo ay

gagawin niya tutal ay may chopper naman ang kanyang pamilya na pwedeng gamitin papunta roon.

Hindi niya maaatim na hindi makita si Maggy sa loob ng mahabang panahon. Ngayon nga lang na

madalas silang nagkikita ng dalaga, pakiramdam niya ay kapos pa rin ang oras para sa kanilang

dalawa.

“But next time, try to avoid the street foods, Maggy—” Natigil si Austin sa pagsasalita nang bigla siya

nitong subuan ng fish ball habang nagmamaneho siya.

“Tasty, isn’t it?” parang batang tanong pa ni Maggy.

“Right.” Austin finally smiled, amused. “But your lips are tastier.”

“Really?”

Nilingon ni Austin si Maggy. Nahuli niya ang pagkislap ng mga mata ng dalaga. Tumango siya. “Really.”

“You can be sexy at times, you know,” ani Maggy, eksaktong naiparada na ni Austin ang kanyang

kotse. Muli niyang nilingon ang dalaga. Sinalubong naman siya ng mga labi nito. Just like that... and he

was swept away. The woman had complete control over him, which was something he had realized.

Her kiss can manipulate him.

Mayamaya ay huminto rin ang dalaga nang tutugon na sana siya sa halik nito. Nanunuksong tinitigan

siya nito. “How was it?”

“Bitin,” ani Austin, mayamaya ay kinabig ang batok ni Maggy at inabot ang mga labi nito. His heart was

pounding just like the first time they met. Ganoon parati ang reaksyon ng puso niya kapag katabi ang

dalaga. Maggy had awakened his senses... And so were the other urges. There were nights when he

must admit, he would imagine her on his bed...

Mayamaya ay naipilig ni Austin ang ulo sa kinahantungan ng isip. Hinubad niya ang kanyang coat at

ipinaibabaw sa ulo nila ni Maggy nang maabutan niya. Nang makarating na sila sa gilid ng simbahan

malapit sa pinto niyon ay agad nitong nilapitan ang mga bata.

“Nasaan ang mga magulang ninyo?” kunot ang noong tanong pa ng dalaga.

“Magkapatid po kami,” anang mas matangkad na babae bago nilalamig na inakbayan ang mas maliit

na kasama. “Pareho na pong namatay ang mga magulang namin. Si Lola na lang po ang mayroon

kami.” Namasa ang mga mata nito. “Pero na-stroke po siya. Hindi na po niya maigalaw ang kalahating

bahagi ng katawan niya. Dati po ay kasama namin siyang nagtitinda.”

“Ibigay n’yo sa akin ang address n’yo,” hindi napigilang sinabi ni Austin. “Ipadadala ko ang assistant ko

bukas sa inyo para—”

“Ang mga ganitong bagay, hindi na dapat ipinagpapabukas pa, Austin. Nasasayang ang oras. Pwede

naman nating gawan agad ito ng paraan,” kontra ni Maggy bago dinukot sa bag ang cell phone nito at

mabilis na nag-dial. “Radha, it’s me. I need you now.” Binanggit nito ang eksaktong lokasyon nila sa

kausap. “Puntahan mo ang dalawang bata rito at dalhin mo sa ospital ang lola nila. Bring an escort with

you. I will send the money later. Ikaw na ang bahala. Thanks.”

Muling hinarap ng dalaga ang mga bata nang maibalik nito sa bag ang cell phone. “Pupunta rito ang

kaibigan ko. Mabait `yon. Tutulungan niya kayo. Dadalhin niya sa ospital ang lola n’yo. Pupunta rin ako

sa ospital bukas. Pag-uusapan natin ang tungkol sa scholarship n’yo. Nag-aaral ba kayo?”

Nangislap ang mga mata ng mas mataas na batang babae. “H-hindi po. P-pag-aaralin n’yo po... k-

kami?”

Ngumiti si Maggy. Kumikinang ang mga mata nito nang mga sandaling iyon. “Oo.” Nang

nagmamadaling niyakap ito ng dalawang bata ay natawa ito nang malakas. Punong-puno iyon ng

buhay. Walang mababakas na pagkaasiwa sa mukha ng dalaga. And her laughter... That was the first

time he had heard her laugh like that.

“Hintayin n’yo rito ang kaibigan ko. Dadaanan niya lang sandali ang kakilala niyang chief inspector dito

para may tutulong sa inyo sa pagdadala sa ospital sa lola n’yo. In about fifteen to twenty minutes daw,

nandito na siya.” Nang bumitiw ang mga bata kay Maggy ay naaaliw na ginulo nito ang mga buhok ng

mga iyon. “Hintayin n’yo siya rito, okay? Radha ang pangalan niya.”

Mayamaya pa ay nilingon na siya ni Maggy. “Let’s go?”

Napatango na lang si Austin. Nang mga sandaling iyon ay himalang tumila na ang ulan. Nauna na ang

dalaga sa kanyang kotse. Agad na binuhay niya ang makina niyon nang makasakay na rin siya at

nagsimula nang magmaneho. “You go beyond extremes to help people,” namamanghang sinabi niya

mayamaya. “You are an angel, Maggy.”

Natawa si Maggy pero wala na iyong buhay sa pandinig ni Austin. Kumunot ang noo niya. Nang

lingunin ang dalaga ay nakita niya ang pagguhit ng mapait na ngiti sa mga labi nito.

“Madalas, wala talaga akong pakialam sa ibang tao. But those little girls reminded me of myself and my

sister. I know how it felt to be so powerless over a certain situation. Iyong tipong gustong-gusto mong

tumulong sa mga taong mahalaga sa buhay mo pero wala kang magawa dahil bata ka pa.” Humugot

ang dalaga ng malalim na hininga. “Sometimes, when I see myself to someone, I get too emotional to

the point of helping them. But I’m usually cruel. I’m the angel’s opposite, Austin.”

He looked at her, not knowing how to react. “You’ve got to be kidding me.”

Nagkibit-balikat si Maggy. “Maybe yes... Maybe not.”


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.