The Fall of Thorns 3: Ansel McClennan

Chapter 17



Chapter 17

“COME here.” Tinapik ni Bradley ang espasyo sa tabi niya at pilit na inalis pansamantala sa isipan ang

naging usapan nila ni Ansel. “Sit beside me.”

Tahimik na sumunod si Yalena. Nakapantulog pa ito. Magulo pa ang buhok pero mukha pa rin itong

anghel para sa kanya. At mananatili itong anghel sa buhay niya, sa buhay nila ni Martina. Dahil simula

nang dumating ang dalaga sa buhay nilang mag-ama ay nagsimulang maging makulay ang lahat.

Sintunado ang lahat ng bagay para kay Bradley noong wala pa si Yalena. Nagkaroon lang iyon ng tono

nang dumating na ito.

Nang makaupo si Yalena sa tabi ni Bradley ay agad na niyakap niya ito katulad nang nakasanayan

niya. “It’s past two in the morning, sweetheart. Are you having nightmares again?”

“No,” anito kasabay ng paghawak sa mga braso niya na nakayakap dito.

Bahagyang napangiti si Bradley. Kabisado niya na ang ugali ni Yalena. Alam niya kung kailan ito

nagsisinungaling. Mabilis at mahina ang sagot nito tuwing hindi taos sa puso ang sinasabi nito. May

school camping si Martina at overnight iyon kaya hindi ito katabi ni Yalena sa pagtulog nang gabing

iyon.

Kahit siya ay hindi rin makatulog. Hindi niya maipahinga ang kanyang isip. Hinihintay niyang umamin

sa kanya ang dalaga tungkol sa pagdating ni Ansel. Gawain niya na iyon mula pa noon, ang maghintay

kung kailan siya nito pagkakatiwalaan ng mga pinakatago-tagong emosyon nito. Kung ganoon ay

binangungot uli ito nang wala si Martina na gumigising dito at kasama nitong nagdarasal kapag

nangyayari iyon.

Bumaba ang mga kamay ni Bradley sa mga kamay ni Yalena.

“Close your eyes,” mayamaya ay bulong niya. Nang silipin niya ang mukha ng dalaga ay nakita niyang

nakapikit nga ito. Binuhat niya ito at iniupo sa kanyang mga hita patalikod sa kanya, mayamaya ay

pumikit na rin at taimtim na nanalangin. Hindi pa man siya natatapos ay narinig niya na ang impit na

paghikbi ng dalaga. Masuyo niyang hinalikan ang ulo nito nang matapos manalangin. “`Care to tell me

about your nightmare?”

“Ansel and the baby,” garalgal ang boses na sagot ng dalaga.

Pasulpot-sulpot na lang sa nakalipas na mga buwan ang mga masasamang panaginip ni Yalena.

“Nandito si Ansel sa Portland, Bradley. I saw him first last week. Since then, I… I often see him. He’s

always trying to talk to me. Kahit sa pagde-deliver ko ng pastries sa restaurant ni Simone ay

sumusunod pa rin siya. Ngayon ko lang sinabi dahil hindi ko alam kung paano aaminin sa `yo. Saka

alam kong nagre-record kayo ng bagong album. I didn’t want to distract you.”

“And you’re saying this to me now because?”

“Because I know you’re done recording.”

Marahang napangiti si Bradley sa narinig.

“And because I didn’t want you to worry.”

Too late, I’m worrying now. I’ve been worrying the entire day. And I know I’ll continue worrying until the

day of our wedding. Gusto sanang sabihin ni Bradley pero sa halip ay iba ang lumabas sa kanyang

mga labi. “Ano ba’ng nararamdaman mo ngayon?”

“I feel rage.”

Iyon ang ikinatatakot ni Bradley. Paano kung sa dulo pala ng galit ni Yalena ay naroroon pa rin ang

pagmamahal nito para kay Ansel? Dahil ganoon naman si Yalena, ganoon ang anghel niya. Malambot

ang puso nito kabaliktaran sa pagkakakilala rito nina Simone at ng mga kabanda niya.

Yalena was cold and distant to everyone except to Bradley and Martina. Hindi marunong ngumiti at

tumawa ang dalaga sa iba maliban sa kanilang mag-ama. Napabuntong-hininga siya. Muli niyang

niyakap ang dalaga. Isinandal niya ang ulo sa likod nito. “Paano kung ma-realize mong mahal mo pa

pala siya? Pakakawalan na ba kita?”

“No, no, please don’t say that!” agad na sagot ng dalaga. Bumitiw ito sa kanya para makaharap sa

kanya. Ikinulong nito ang mga pisngi niya sa maiinit na mga palad nito. “Don’t let me go. Hindi ako

lalayo. Magpapakasal tayo, Bradley. I will stay with you and Martina. I’m happy with just the three of

us,” determinadong sinabi ng dalaga pero bakit parang may narinig siyang pangamba sa boses nito?

Sa kabila niyon ay tumango na lang si Bradley.

How he wished she could just say she loved him, too. Because if she will only say those words, no

matter what happens, he will never really let her go.

“SI BRADLEY talaga…” Naiiling na napangiti si Yalena nang makita ang mga nakasabog na kulay-

dilaw na rosas sa buong restaurant na pagmamay-ari ni Simone. Nagpunta siya roon nang umagang

iyon para sa huling beses na paghahatid niya ng mga pastries at cakes. Ibinaba niya ang mga dalang

kahon sa ibabaw ng counter.

Noong una ay nagtaka pa siya nang walang maabutang tao sa loob ng restaurant. Pero nawala ang

pagtatakang iyon nang mapansin ang mga nagkalat na rosas at lobo sa paligid. Mayroon ding

malamyos na musika na nagmumula sa mga speakers doon. Minsan na iyong ginawa sa kanya ni

Bradley kaya nakasisiguro siyang ito na naman ang may pakana niyon.

Napakaswerte niya sa mapapangasawa. Sa susunod na linggo na ang kanilang kasal. At noong

nakaraang araw ay niregaluhan siya nito ng sarili niyang pwesto ng bakeshop. Pwede niya na raw

buksan iyon sa pagbabalik nila sa Portland mula sa kanilang honeymoon.

Nang may marinig si Yalena na mga papalapit na yabag mula sa kanyang likuran ay agad na humarap

siya roon. “Bradley, ikaw talaga! You didn’t have to do this—” Agad na nawala ang kanyang ngiti nang

sa halip na si Bradley ay iba ang sumalubong sa kanya. Si Ansel iyon, tulak ang isang cart na

naglalaman ng mga umuusok pang pagkain. Sa gilid ng cart ay naroroon ang bouquet ng dilaw na

rosas. Kitang-kita niya ang paglarawan ng kirot sa anyo ng binata.

“I’m sorry if I disappointed you. I’m sorry I’m not the man you’re expecting,” mahinang sinabi ni Ansel at

mayamaya ay itinuro ang cart. “Ako mismo ang nagluto. Have a taste. Hindi na ako mapapahiya sa `yo

this time. I’ve practiced cooking for the past years, Yana.”

“Ansel!” Kumuyom ang mga kamay ni Yalena nang maisip kung ano ang nangyayari. “Bradley’s friend

owns this restaurant! Hindi ka na nahiya! Dito ka pa talaga gumawa ng kalokohang `to?”

Mayamaya ay nabigla siya nang mapagmasdan nang husto ang itsura ng binata. Nakapusod ang

buhok nito na pinakulayan ng kulay-mais. Nakasuot ito ng hapit na navy blue V-neck shirt na pinarisan

ng black leather jacket. Nakamaong na pantalon ito na may butas pa sa mga tuhod. May stud earring

pa ito sa kaliwang tainga. And his eyes… My God. They were gray.

“What in the world happened to you?” Ganoong-ganoon manamit si Bradley tuwing may gig ito. “Bakit

ganyan ang ayos mo? Bakit ka naglagay ng contact lens? Why did you even dye your hair? You look

—”

“Like Bradley?” Gumuhit ang malungkot na ngiti sa mga labi ni Ansel. “Mahal mo siya kaya mo siya

pakakasalan, `di ba? I figured that maybe you could like me even a little if I start to look like him. I… I

can change for you, Yana. I can be your Bradley if you want me to. I can stop being Ansel McClennan

for you. Just… just please accept me again. Just trust me again. Love me again.

“I’m sorry if I had to rent this place. Hindi ko na kasi alam kung paano ka pa makakausap. Nauubusan

na ako ng oras.” Bumakas ang frustration sa boses ng binata. “Yalena, hindi ko makakaya kung

mawawala ka pa. Mahal na mahal pa rin kita.”

Aabutin na sana ni Ansel ang kamay ni Yalena nang umatras siya. Minsan pa ay gumuhit ang sakit sa

mga mata ng binata. Pero walang-wala ang sakit na iyon kompara sa nadarama niya, kompara sa

ipinaranas nito sa kanya. Ang buong akala niya ay nakabangon na siya. Pero nang magsimulang

magpakita ang binata ay na-realize niyang nagkamali pala siya, na durog na durog pa rin pala siya

hanggang sa mga sandaling iyon.

“Ang babaw-babaw mo magmahal. Kaya sa `yong-sa `yo na ang pagmamahal mo! Hindi ko `yan

kailangan! Damn it, McClennan.” Namasa ang mga mata ni Yalena. Tumaas-baba ang dibdib niya sa

pinaghalo-halong emosyon na hindi niya nagawang ilabas noon dahil nawalan na siya ng pagkakataon.

“For several years, I’ve lived in a nightmare. I was only freed from that nightmare the very day I felt that

you loved me, too. When you fell in love with me, every day felt like a beautiful dream. Araw-araw,

simula niyon, pakiramdam ko, nangangarap ako. And then one day, you accused me things.” Tumulo

ang kanyang mga luha. “Sinaktan mo ako. Nawala ang anak ko. You brought me back to my

nightmares.

“Pinaasa mo lang ako sa isang magandang panaginip.” Mariing naipikit ni Yalena ang mga mata sa

pagdaloy ng mga mapapait na alaala. “Tinawag kita noong araw na `yon. Paulit-ulit.” Nabasag ang

kanyang boses. “But you pushed me away. You killed my baby right after denying you’re the father! You

killed me, Ansel. `Tapos ngayon, bumabalik ka na naman.” Nagmulat siya ng mga mata. Hindi niya na

tinangkang punasan pa ang mga luha. “Nasaan ba? Nasaan ang sinasabi mong pagmamahal mong

‘yan noong kailangan ko noon? Kinalimutan ko ang lahat para sa `yo. Wala na akong itinira para sa

sarili ko. Pero ito ang ipinalit mo. You and your father had done nothing but hurt me! Kaya tama na,

utang-na-loob!”

Nilapitan ni Yalena ang cart at naghihimagsik na itinapon ang lahat ng mga nakalagay roon. “Tigilan mo

na `to! Maawa ka naman sa ‘kin!”

Napatitig siya sa mga nabasag na mangkok at sa mga nagkalat na pagkain. Puro paborito niya ang

mga iyon. Nanghihinang naupo siya sa sahig. The pain in her chest was making it hard for her to

breathe. Isinubsob niya ang mukha sa kanyang mga tuhod at mayamaya ay napahagulgol.

“Ano ba’ng dapat na sabihin ko? My father’s a murderer and a thief. My mother’s a liar. I’m an asshole.

Isang araw, nagising ako at nalaman kong baluktot pala ang mga pinaniniwalaan ko. My father killed

my fiancée’s parents and took their wealth. And then I heard those stupid voice recordings. Namatay si

Dad. Naroon ka sa rest house. Agaw-buhay si Mama. Kasabay niyon, nalaman kong matagal na pala

akong nagmumukhang tanga dahil lahat sa paligid ko, alam ang ginawa ni Dad maliban sa ‘kin.”

Dahan-dahang nag-angat si Yalena ng mukha nang marinig ang mga sinabing iyon ni Ansel.

Bumungad sa kanya ang mukha ng binata. Nakaupo rin ito sa sahig paharap sa kanya.

“Pakiramdam ko, niloko at pinaglaruan ako ng buong mundo. I’ve always thought I was smart. Heck, I

was the shark in the business industry. Pero naloko ako. And you know what? At some point, three

years ago, I envied you. Dahil nang maranasan mo ang trahedya sa mga magulang mo, alam mo kung

ano ang eksaktong nangyari. There’s just one thing you need to absorb: your parents’ death. Pero ako,

Yana, I had to absorb everything all at once.” Sumungaw ang mga luha sa mga mata ni Ansel. “Ang

dami kong kinailangang iproseso sa isip ko. At hindi ko alam kung paano sisimulan kasi lahat masakit.

Lahat, mahirap.

“Nang mga panahon na ‘yon, ni hindi ko makilala ang sarili ko. I wasn’t sure who I really was. `Tapos noveldrama

paulit-ulit kitang nakikita noon. It was painful for me too, Yana. Para akong humaharap sa `yo nang

walang ulo tuwing naaalala ko ang ginawa ni Dad. Pero para ding namamatay ang puso ko tuwing

naiisip ko ang posibilidad na baka may kinalaman ka sa pagkamatay niya. Yes, Dad may be a

murderer. He may be the world’s cruelest man. But I’m still his son. He’s still my father. The thought

that the woman I love could be the reason behind his death was heartbreaking.” Nabasag ang boses ni

Ansel. “Because back then, you had all the motives to do that to my father. Kung nagawa akong

lokohin ng sarili kong pamilya, naisip ko, paano pa kaya ang babaeng mahal ko na buhay ng mga

magulang niya ang ipinaglalaban?

“Yana, I didn’t know what to believe back then. Ang daming nangyari. Iisa lang ang puso ko. Hindi ko

alam kung paano pagkakasyahin doon lahat ng emosyon.” Inabot ni Ansel ang mga palad ni Yalena.

“Patawarin mo ako.” Pumatak ang mga luha ng binata. “Iyon na ang pinakarason na maibibigay ko.

Sana… sana paniwalaan mong dalawa tayong biktima rito. Nang ma-realize kong nagkamali ako,

hinanap kita. Hindi ako tumigil kaya nandito ako sa harap mo at ipinagsisiksikan ang sarili ko ngayon

pagkalipas ng mahigit tatlong taon. I’m sorry about your nightmares. I’m sorry about our baby.

“But, Yana, the idea that you’ve lost our baby because of me was more than a nightmare for me the

past years. And I only endured all that because I was hoping to see you, to ask for forgiveness, even if

I don’t deserve it.” Isinubsob ni Ansel ang mukha sa mga palad ni Yalena. “I’m sorry, baby. I’m sorry.”

Nabasa ng mga luha ng binata ang kanyang mga palad. Gumalaw ang mga balikat nito tanda ng

pagtangis.

“Your tears, Ansel… I want to believe those waterworks,” mayamaya ay bulong ni Yalena. “I want to

trust your words. But I couldn’t. At iyon ang mas masakit dahil ikaw mismo ang nag-alis ng kapasidad

kong maniwala pa sa `yo.” Hinugot niya ang mga palad palayo sa binata. Kahit nanlalambot pa ang

mga tuhod ay sinikap niyang tumayo. “Tama na. Umaasa ako na ito na ang huli nating pagkikita.”

Palabas na sana siya ng restaurant nang humabol si Ansel. Napasinghap siya nang lumuhod ito sa

harap niya at niyakap ang kanyang mga hita.

“I can’t lose you again. `Wag mo kong iwan, Yana. Mababaliw ako. Ako na lang uli. Ako naman ang

nauna, `di ba? Tayo naman talaga dapat, `di ba? I told you I can change for you. I can be your Bradley

if you want me to—”

“But you can never be the original Bradley,” halos pabulong na sagot ni Yalena. “I hated the woman I’ve

become because of your father, because of my rage, because of my revenge. And then I fell in love

with you. I started to yearn for my old self. Bumalik ako sa dating ako nang mahalin kita.” Walang

buhay siyang ngumiti. “Hindi ako matapang pero ayos lang. Hindi ako manhid. Hindi ako puno ng galit.

I was soft but I didn’t mind. I gave you the control over me and that’s okay. Ngayon, narinig ko na finally

ang mga paliwanag mo. Pero nasasaktan pa rin ako. Dahil nawala ang anak ko. Inalis mo ang lahat ng

naipong saya sa puso ko. You didn’t trust me enough, Ansel. That was when I started to hate ever

coming back to my old self. Na-realize kong hindi na bale palang manhid at puno ng galit kaysa

mahina, kaysa kinakaya-kaya ng iba.”

Pinagmasdan ni Yalena ang binata. Dumulas ang mga kamay nitong nakayakap sa kanyang mga hita.

Bumagsak ang mga iyon sa magkabilang gilid nito. Nanatili itong nakayuko. “Bradley was there for me

for the past years. At mahal niya ako. Sa kanya, sigurado akong maiingatan ang puso ko. Kasi, Ansel,

pagod na akong masaktan. Pagod na akong lumuha. Pagod na akong magdusa,” sinabi niya bago

tuluyang umalis ng restaurant.


Tip: You can use left, right, A and D keyboard keys to browse between chapters.